Call her Ica. A daughter, a sister, a friend, a lover, a student, a normal human being. She's an outgoing gal who's living life on its edge, ready for any circumstances. She's frank, not tactless. She's very boyish, but a girl at heart. Ica's a Thomasian nursing freshman. Loud, outrageous, ecstatic voodoo doll :D
Okay, so eto na naman ako naghahayag ng makulit na kwento. :P
Pinuntahan ako kahapon nina Mama sa dorm kase hinatid nila yung mga damit ko at syempre, namimiss na nila ako. Haha. Pumunta kame sa MOA nun; wala kaming kiber sa malakas na ulan. Grabe yung Manila Bay, makikita mo talagang high tide saka yung alon, ang taas.
Kumain kame sa Yellow Cab kase wala lang, sarap dun e. Syempre, New York's Finest ulet saka #4 Cheese, Charlie Chan saka Chicken Alfredo. Sarap talaga the best! :D Kakaenjoy talaga. After nun, iniwan namen ang mga kapatid ko at si dear Yaya sa Dave's fun house habang kame'y nag-ikot-ikot muna. Pumunta kameng Toy Kingdom para ibili ng mga laruan (duh kaya nga Toy Kingdom e) ang mga kapatid ko. Si Papa parang bata! Naging bilmoko, naghangad ng Optimus Prime. Ayun, binili na sya for the sake. Haha.
Ako naman ngayon. Pumunta kameng Wade dahil nakita akong magandang pair dun, at syempre mahilig na mahilig ako sa sapatos!!! Hahaha. Kung alam nyo lang kung ilang pair na ang meron ko sa bahay. Hahaha. Lumabas na si saleslady, sabay sabi, "Ma'am, last pair na ho to." "Eh anong size ba yan?" "6 ho." Badtrip!!! Sumakit tuloy loob ko.
So, pauwi na kame. Hindi pa rin tumitila yung ulan. Pagkarating namin sa may Quiapo, aba baha na! Nataranta ako baka baha na rin sa Daps, eh dun ako. Hala. Pagdating namin sa Daps, aba nagsisimula na ang baha. Mga 5 yun. Nung mga 6 na, nagtetext na sina Mama na nastranded daw sila sa Dimasalang. Bumaba naman ako para tingnan yung sitwasyon. Aba sa street namen hanggang kalahati ng binti yung tubig-baha, tapos hanggang crotch yung sa Dapitan. Eh pano pa kaya sa Espana? Hindi tuloy kame makapagdinner kase nakahold lahat ng delivery lines tapos baha pa, nakakadiri. Ayun kumain nalang kame ng kung ano para malamnan sikmura namen. Badtrip.
Para mawala sa isip namin yung gutom, naginternet nalang kame sa study area ng dorm namen. (Yes finally may wifi na!) After mga 1 hour ng pagiinternet, bigla kameng may narinig na maingay na tunog, yung parang sa mic pag natutok sa speakers. Tapos biglang naging fire alarm. Hala takbuhan lahat pababa! Namumutla nga daw ako e sabi nung kasama ko. Tapos false alarm lang pala. May nanigarilyo kaya nagtrigger ng fire alarm. Ang tanga tanga namna nun! Hindi naisip na malaking perwisyo yung ginawa niya. Ayaw pa umamin! WTF.
So, yun yung gabi ko kagabi. Hahaha. Ang dami talagang experiences dito sa dorm. Keri mo ba to? Kung Tomasino, syempre oo.