Call her Ica. A daughter, a sister, a friend, a lover, a student, a normal human being. She's an outgoing gal who's living life on its edge, ready for any circumstances. She's frank, not tactless. She's very boyish, but a girl at heart. Ica's a Thomasian nursing freshman. Loud, outrageous, ecstatic voodoo doll :D
May ganon?!! Nung Friday, witness ako. Haha! Lakas kase ng ulan, eh sa Manila kagad bumabaha. Buti nga di pa lumulubog yung USTe e (matatag talaga mga Thomasians) :D
Ito ay kwento ng panghihinayang, pagkamuhi, at kasiyahan. Tuloy-tuloy lang ang pagbasa, ha? :P
Thursday, July 16 4.47 PM Sinundo ako ni Papa, kinuha ang mga maruming damit ko at iilang gamit, at niyaya akong magYellow Cab. Siyempre, tatangihan ko ba naman ang grasya?
5.02 PM Nakarating na kame sa Yellow Cab. Nag-order kame ng 10" New York's Finest, Chicken Alfredo Pasta (new dish :D), at dalawang bote ng Sola. Akalain mo naubos?!! Haha. Pagkatapos naming kumain, napilit ko si Papa na ibili ako ng YC Pistachio ice cream. Grabe sarap talaga!! Panalo :D
6.13 PM Habang pauwi kame ni papa sa dorm ko, niyaya niya akong umuwi na sa Pampanga tutal daw malakas yung ulan at malamang daw walang pasok kinabukasan. Nakakagulat yung sagot ko: AYOKO. Ayun, inuwi nalang niya ko sa dorm.
Friday, July 17 5.18 AM Ginising ako nung dorm mate ko kase ako na daw yung next na maliligo. Shit. Tinatamad ako nugn mga panahong yun. Umuulan kase, tas ang lamig pa, tas madilim pa. Ayun, di pako naligo. Maya-maya, natataranta kame kase baha na sa tatlong side ng USTe, kasama na ang Dapitan kung san ako nakatira.
6.21 AM Nagtext yung classmate ko; wala daw pasok. Siyempre, initial reaction ko natuwa ako kase walang pasok! Pero maya-maya, sumakit din loob ko kase nakakapanghinayang yung pagyaya sakin ni Papa pauwe. Ako pa tuloy nahirapan. Err! :S Kaya yun, nag-ayos nalang ako ng gamit para agad ako makauwe.
8.30 AM Dumating na sina Monchee and Doms sa dorm para sunduin kami ni Yan. Ang lakas ng ulan at hangin, at mataas na rin ang tubig, so wala kaming choice kung hindi magtricycle. Shit! Nananamantala sila! 40 daw per head kahit 250m lang yung distance?!! Rason nila masisira makina nila. Grabe. Wise talaga mga Pinoy.
8.40 AM Nakarating na kame sa Jollibee Lacson. Dun kame naghintay ng Philippine Rabbit; may waiting shed kase dun. Halos isang oras kameng naghintay ng masasakyan na bus kase yung tatlong dumaan, ayaw kameng pasakayin!! Nakakaasar :S May nasaksihan pa kameng naghahanap ng wallet sa baha. Naawa akong natawa. Naawa ako kase nawalan nga ng wallet at mukhang madameng laman yun. Natawa naman ako kase medyo tanga siya para dalhin yung buong wallet nya. Sana man lang nagdala na lang siya ng iilang bills di ba?
9.37 AM Pinasakay na rin kame nung isang bus. Sakto biyaheng Angeles siya. Thank you Lord :D