Call her Ica. A daughter, a sister, a friend, a lover, a student, a normal human being. She's an outgoing gal who's living life on its edge, ready for any circumstances. She's frank, not tactless. She's very boyish, but a girl at heart. Ica's a Thomasian nursing freshman. Loud, outrageous, ecstatic voodoo doll :D
Ito ang pinakaunang post ko na Taglish ang language, sa rason na mas magandang ilahad ito sa ganung paraan.
Ito ang unang beses na luluwas ako papuntang Maynila sakay ang Philippine Rabbit byaheng Avenida, kaya humanda ka dahil siguradong maaaliw ka. (sana lang XD)
Bago ako sumakay ng bus, pinanalangin ko na sana wala pang umupo sa upuan sa mismong likuran ng driver. WALA NGA. Thank you Lord. Iyon kasi ang pinakasafe na lugar sa pampasaherong bus. Sumakay kami sa Angeles terminal kaya konti palang ang sakay ng bus. Bumyahe ang bus papuntang Dau terminal, ang "pambansang" terminal ng Pampanga at ng mga karatig-bayan. Binigyan kami ng ticket ni Manong Konduktor. Nakalimutan naming sabihin na pangestudyante lang pala dapat yung ticket namin; may discount kase pag student fare-tumatanginting na dalawampu't apat na piso. Ayun, napagalitan kami kay Manong. Gusto ko nalang ngang sumigaw at sabihin na first time namin sumakay sa ganung bus. Sorry naman Manong :D
Nung magpark na ito, dali-daliang pumasok ang ibang mga pasahero. Nacute-an nga kame dun sa half-Japanese na batang babae na sumakay kasama ang kanyang pamilya. Kamukha niya kase yung batang babaeng Hapon na model ng Guess Kids. WOW :D Sumakay din ang mga maglalako ng quail eggs na mukhang bulok na, chicharon with suka na mapanghi, mga pastillas na mukhang bar ng sabon, dyaryo tulad ng Abante at Bulgar na parang puro tsismis lang ang laman at walang katotohanan, at mga inumin tulad ng mineral water at C2 na parang tinanggalan na ng minerals dahil parang nirepackage lang. Puro karaniwang binebenta. Maya-maya, may umakyat na sumisigaw ng HOTDOG! okaya HOTDOG SANDWICH! Napatingin naman ako;akala ko kasi Tender Juicy. Nakakaloka! Mukhang slinky XD Parang pag tinanggal mo sa stick, magbabounce siya ng todo-todo. Pinoy talaga; hangga't pwedeng maging wise ay magiging wise siya.
Pumunta na tayo sa biyahe mismo. Habang natutulog ang mga kasama ko, ang mga mata ko nama'y mulat na mulat dahil sa takot na baka may hired killer pala sa likod o di kaya'y snatcher. I might be paranoid. LOL XD
Pagkarating namin sa Camatchiles, bumaba na si little Japanese girl. Goodbye kiddo. We will miss you forever. :P
Nakarating na kami sa Wendy's sa street namin. Kelangan nang magpaalam kay Manong Driver at kay Manong Konduktor. Paalam :)