Call her Ica. A daughter, a sister, a friend, a lover, a student, a normal human being. She's an outgoing gal who's living life on its edge, ready for any circumstances. She's frank, not tactless. She's very boyish, but a girl at heart. Ica's a Thomasian nursing freshman. Loud, outrageous, ecstatic voodoo doll :D
Kakatapos lang ng prelims, at finally, FINALS NA. :D Malapit ko nang malagpasan ang isang sem, at sabihin na, "Yehes! I survived!" Pero teka. Kamusta naman mga numerical figures ko?? Isang malaking katanungan na kailangan ng tiyak na sagot. WAIT--wag muna yan ang isipin natin. Be spontaneous, ika nga ng dalawa kong malapit na kaibigan.
Umuwi ako ng Pampanga for the weekends na walang dalang libro, dahil relaxation time na nga. Kaso ang problema, di rin ako nakapaghang-out with my highschool friends. Hah. :( So, bahay mode lang ako.
FRIDAY NIGHT. Around 8 in the evening. Nakauwi nako ng bahay namin. OMG!! Namiss ko ang kwarto ko, kahit walang internet dun. May TV naman. LOL. Walang TV sa dorm e. Kaso di man ako nakanuod, kasi nakipagchikahan pako with Mama. Namiss nya ko e, pagbigyan. LOL. So as usual, nakatulog na naman ako with my glasses on. DOH. Haha. Napakairresponsible ko talaga. Tapos I put the blame on my yaya. Whatever yaya! You're such a loser.
SATURDAY. 9 in the morning. As usual, late na naman ako nagising. Kama ko e. Haha. Bakit nga ba ganun? Can someone explain it to me? WOW. Haha. So ayun, niyaya ko si Mama na ihatid ako sa dentist ko, kaso sabi ni Papa next week nalang daw kasi aalis sila and umuulan. So ayun, I stayed home. Wala akong maisip na gawin, so I played my CDs sa DVD player namin, kasi sira yung CD player namin, at solo ko naman ang kwarto nina Mama, so I did what I wanted. Haha. Hulaan mo yung mga kanta sa CDs. 90s beybeh!! Haha. Tipong Afraid for Love to Fade. Ayun. Tapos nung mga 3pm na, nanuod nako ng DVD-The Holiday. Nakakakilig!! Haha. Siguro nagtataka kayo bakit ko ginawa to. WALA KASING CABLE!! Nasira ata mga linya ng cable operator namin, so nawalan for a while.
SATURDAY. 6 in the evening. May cable na! Makakapanuod nako ng UAAP. Ang labanan-ADMU vs FEU. Nakakakaba yung laban! May point kasi na natatambak ang ADMU. (Rabeh kase.. Haha. Joke.) Pero nahatak ni Salamat. Panalo ADMU!
SATURDAY. 10 in the evening. Banana Split na. Yehes! Kakatuwa talaga si Bhoy. Aiiiii.. KNOW NA!!! Pati si kuya tumatawa oh. Pagkatapos, alam na ang nangyare. Haha.
SUNDAY. 9 in the morning. Good morning Jesus! The usual routine parin. Kain ng onte, ligo, bihis, simba, punta kina Lola for lunch. Alam nyo na yun. Anong bago?? UAAP CHEERDANCE! Di ako lumuwas kagad para dun. Haha. Inabangan ko talaga yun, kasi alam ko magaling ang Salinggawi dyan. So nagstart na. AdU di coordinated, NU di ako nasatisfy. Ano ba yan? Pagkakita ko sa performance ng UST, shet ang galing!! Kahit may onteng palya, maganda parin! Grabe talaga ang galing. BIAS ang author ng post na to. ROFL. Animo naman, mukha silang Lastikmen! Haha. UP, simple but elegant. Okay yung kanila. Blue Babble Battalion naman.. (or as Kuya Don would call it: Blue Bla Bla Battalion) Gusto ko yung moonwalk! Basta yung MJ segment. Haha. After nun, pumunta nako sa terminal. Balita ko, UE daw matamlay tapos FEU, may sarimanok. Results time! Panalo FEU, 2nd ADMU, 3rd UP. WALA MAN LANG KAMI?? Ang bias naman ng mga judges. Porket hosts this year ang FEU. Galit na tuloy si Hello Kitty. Haha. Kainis yun. Ang ganda nga ng performance ng Salinggawi e. Hayy. I feel disappointed. Anyhoo, yun yung tingin ng judges e. Better luck next year. Babawi ang Salinggawi, sinasabi ko sa inyo. THREAT? LOL.
Nasa Manila na naman ako. May pasok pa bukas. 11.36pm na. Bakit di pa ako natutulog? Haha. Ang lamiiiiiiig! Hug moko. So, ayun. See you, este read from you in a while. :D
P.S. I'm starting to miss someone, and it bugs me by the minute. Make it stop.
So, we had our monthly exams last July 29-31. All the exams were easy, except for the terror Chemistry and the ever boring Psychology. The results were very predictable. I got a perfect score in College Algebra, 9 mistakes in English, 14 mistakes in TFN(Theoretical Foundations in Nursing) and Theology, 28 mistakes in Filipino, 19 mistakes in Chemistry Lab, 34 out of 60 and 55 out of 100 in Chemistry Lecture and Psychology respectively. Whoa. Big whoa. Sobrang extremes ang mga scores ko, diba? LOL.
Just recently, we received some of our monthly grades. Here are they: ENGLISH- 91.96 or 1.75 CHEMISTRY- 83.7 or 2.5 MATH- 93.4 or 1.5
Of course, these grades of mine are exceptional, but still, I got a bit depressed. If only I strove harder, then I would've had higher grades. Bitin kasi, e?Kakabadtrip tuloy.
Anyways, I can't do anything to change those grades, but I could aim higher, right? That's what I need. Wee. Here I go. Prelims, I got you. :D
Okay, so eto na naman ako naghahayag ng makulit na kwento. :P
Pinuntahan ako kahapon nina Mama sa dorm kase hinatid nila yung mga damit ko at syempre, namimiss na nila ako. Haha. Pumunta kame sa MOA nun; wala kaming kiber sa malakas na ulan. Grabe yung Manila Bay, makikita mo talagang high tide saka yung alon, ang taas.
Kumain kame sa Yellow Cab kase wala lang, sarap dun e. Syempre, New York's Finest ulet saka #4 Cheese, Charlie Chan saka Chicken Alfredo. Sarap talaga the best! :D Kakaenjoy talaga. After nun, iniwan namen ang mga kapatid ko at si dear Yaya sa Dave's fun house habang kame'y nag-ikot-ikot muna. Pumunta kameng Toy Kingdom para ibili ng mga laruan (duh kaya nga Toy Kingdom e) ang mga kapatid ko. Si Papa parang bata! Naging bilmoko, naghangad ng Optimus Prime. Ayun, binili na sya for the sake. Haha.
Ako naman ngayon. Pumunta kameng Wade dahil nakita akong magandang pair dun, at syempre mahilig na mahilig ako sa sapatos!!! Hahaha. Kung alam nyo lang kung ilang pair na ang meron ko sa bahay. Hahaha. Lumabas na si saleslady, sabay sabi, "Ma'am, last pair na ho to." "Eh anong size ba yan?" "6 ho." Badtrip!!! Sumakit tuloy loob ko.
So, pauwi na kame. Hindi pa rin tumitila yung ulan. Pagkarating namin sa may Quiapo, aba baha na! Nataranta ako baka baha na rin sa Daps, eh dun ako. Hala. Pagdating namin sa Daps, aba nagsisimula na ang baha. Mga 5 yun. Nung mga 6 na, nagtetext na sina Mama na nastranded daw sila sa Dimasalang. Bumaba naman ako para tingnan yung sitwasyon. Aba sa street namen hanggang kalahati ng binti yung tubig-baha, tapos hanggang crotch yung sa Dapitan. Eh pano pa kaya sa Espana? Hindi tuloy kame makapagdinner kase nakahold lahat ng delivery lines tapos baha pa, nakakadiri. Ayun kumain nalang kame ng kung ano para malamnan sikmura namen. Badtrip.
Para mawala sa isip namin yung gutom, naginternet nalang kame sa study area ng dorm namen. (Yes finally may wifi na!) After mga 1 hour ng pagiinternet, bigla kameng may narinig na maingay na tunog, yung parang sa mic pag natutok sa speakers. Tapos biglang naging fire alarm. Hala takbuhan lahat pababa! Namumutla nga daw ako e sabi nung kasama ko. Tapos false alarm lang pala. May nanigarilyo kaya nagtrigger ng fire alarm. Ang tanga tanga namna nun! Hindi naisip na malaking perwisyo yung ginawa niya. Ayaw pa umamin! WTF.
So, yun yung gabi ko kagabi. Hahaha. Ang dami talagang experiences dito sa dorm. Keri mo ba to? Kung Tomasino, syempre oo.
May ganon?!! Nung Friday, witness ako. Haha! Lakas kase ng ulan, eh sa Manila kagad bumabaha. Buti nga di pa lumulubog yung USTe e (matatag talaga mga Thomasians) :D
Ito ay kwento ng panghihinayang, pagkamuhi, at kasiyahan. Tuloy-tuloy lang ang pagbasa, ha? :P
Thursday, July 16 4.47 PM Sinundo ako ni Papa, kinuha ang mga maruming damit ko at iilang gamit, at niyaya akong magYellow Cab. Siyempre, tatangihan ko ba naman ang grasya?
5.02 PM Nakarating na kame sa Yellow Cab. Nag-order kame ng 10" New York's Finest, Chicken Alfredo Pasta (new dish :D), at dalawang bote ng Sola. Akalain mo naubos?!! Haha. Pagkatapos naming kumain, napilit ko si Papa na ibili ako ng YC Pistachio ice cream. Grabe sarap talaga!! Panalo :D
6.13 PM Habang pauwi kame ni papa sa dorm ko, niyaya niya akong umuwi na sa Pampanga tutal daw malakas yung ulan at malamang daw walang pasok kinabukasan. Nakakagulat yung sagot ko: AYOKO. Ayun, inuwi nalang niya ko sa dorm.
Friday, July 17 5.18 AM Ginising ako nung dorm mate ko kase ako na daw yung next na maliligo. Shit. Tinatamad ako nugn mga panahong yun. Umuulan kase, tas ang lamig pa, tas madilim pa. Ayun, di pako naligo. Maya-maya, natataranta kame kase baha na sa tatlong side ng USTe, kasama na ang Dapitan kung san ako nakatira.
6.21 AM Nagtext yung classmate ko; wala daw pasok. Siyempre, initial reaction ko natuwa ako kase walang pasok! Pero maya-maya, sumakit din loob ko kase nakakapanghinayang yung pagyaya sakin ni Papa pauwe. Ako pa tuloy nahirapan. Err! :S Kaya yun, nag-ayos nalang ako ng gamit para agad ako makauwe.
8.30 AM Dumating na sina Monchee and Doms sa dorm para sunduin kami ni Yan. Ang lakas ng ulan at hangin, at mataas na rin ang tubig, so wala kaming choice kung hindi magtricycle. Shit! Nananamantala sila! 40 daw per head kahit 250m lang yung distance?!! Rason nila masisira makina nila. Grabe. Wise talaga mga Pinoy.
8.40 AM Nakarating na kame sa Jollibee Lacson. Dun kame naghintay ng Philippine Rabbit; may waiting shed kase dun. Halos isang oras kameng naghintay ng masasakyan na bus kase yung tatlong dumaan, ayaw kameng pasakayin!! Nakakaasar :S May nasaksihan pa kameng naghahanap ng wallet sa baha. Naawa akong natawa. Naawa ako kase nawalan nga ng wallet at mukhang madameng laman yun. Natawa naman ako kase medyo tanga siya para dalhin yung buong wallet nya. Sana man lang nagdala na lang siya ng iilang bills di ba?
9.37 AM Pinasakay na rin kame nung isang bus. Sakto biyaheng Angeles siya. Thank you Lord :D
Ito ang pinakaunang post ko na Taglish ang language, sa rason na mas magandang ilahad ito sa ganung paraan.
Ito ang unang beses na luluwas ako papuntang Maynila sakay ang Philippine Rabbit byaheng Avenida, kaya humanda ka dahil siguradong maaaliw ka. (sana lang XD)
Bago ako sumakay ng bus, pinanalangin ko na sana wala pang umupo sa upuan sa mismong likuran ng driver. WALA NGA. Thank you Lord. Iyon kasi ang pinakasafe na lugar sa pampasaherong bus. Sumakay kami sa Angeles terminal kaya konti palang ang sakay ng bus. Bumyahe ang bus papuntang Dau terminal, ang "pambansang" terminal ng Pampanga at ng mga karatig-bayan. Binigyan kami ng ticket ni Manong Konduktor. Nakalimutan naming sabihin na pangestudyante lang pala dapat yung ticket namin; may discount kase pag student fare-tumatanginting na dalawampu't apat na piso. Ayun, napagalitan kami kay Manong. Gusto ko nalang ngang sumigaw at sabihin na first time namin sumakay sa ganung bus. Sorry naman Manong :D
Nung magpark na ito, dali-daliang pumasok ang ibang mga pasahero. Nacute-an nga kame dun sa half-Japanese na batang babae na sumakay kasama ang kanyang pamilya. Kamukha niya kase yung batang babaeng Hapon na model ng Guess Kids. WOW :D Sumakay din ang mga maglalako ng quail eggs na mukhang bulok na, chicharon with suka na mapanghi, mga pastillas na mukhang bar ng sabon, dyaryo tulad ng Abante at Bulgar na parang puro tsismis lang ang laman at walang katotohanan, at mga inumin tulad ng mineral water at C2 na parang tinanggalan na ng minerals dahil parang nirepackage lang. Puro karaniwang binebenta. Maya-maya, may umakyat na sumisigaw ng HOTDOG! okaya HOTDOG SANDWICH! Napatingin naman ako;akala ko kasi Tender Juicy. Nakakaloka! Mukhang slinky XD Parang pag tinanggal mo sa stick, magbabounce siya ng todo-todo. Pinoy talaga; hangga't pwedeng maging wise ay magiging wise siya.
Pumunta na tayo sa biyahe mismo. Habang natutulog ang mga kasama ko, ang mga mata ko nama'y mulat na mulat dahil sa takot na baka may hired killer pala sa likod o di kaya'y snatcher. I might be paranoid. LOL XD
Pagkarating namin sa Camatchiles, bumaba na si little Japanese girl. Goodbye kiddo. We will miss you forever. :P
Nakarating na kami sa Wendy's sa street namin. Kelangan nang magpaalam kay Manong Driver at kay Manong Konduktor. Paalam :)
So, I went to Manila last Sunday afternoon for my classes. I was kinda excited for my second week, but then nervous too because I had a report in Chemistry about Bunsen burners which I'm not ready for just for the reason that I haven't seen one in my whole life. I sought help from one of my dorm mates who happened to be my group mate. We were at the study area, then all of a sudden this Medicine student shouted for joy when she heard the news that classes for the following colleges-College of Medicine, College of Nursing, and College of Rehabilitation Science-are suspended for 8 days because apparently a Thomasian from one of these colleges acquired the Swine Flu. Too bad for him/her (the gender wasn't stated); he'll miss classes. Sure hope he'll get better soon. So, another 8 days of vacation for us! :))
So, I'm officially a Thomasian nursing student, and hurrah! The first week is almost over. New environment, new professors, new classmates, new friends, every thing's new, and I have to face this on my own because I study here in Manila and I live in a dormitory. My preschool bestfriend is with me, and so are my roommates who just live near Pampanga :)) I'm not homesick, not like my other dormmates, because I get along with my roommates and other dormmates. I even have classmates in the other rooms! The good thing with my dorm is that it has a canteen below which serves good food due to the fact that the cook's Kapampangan. Cool!
We have a lot of requirements in all my subjects, especially Chemistry because we have our lab classes and lecture classes. We even had a pre-test in Math! I got 13 out of 20 :| My profs are kinda strict, except our TFN prof; she has a good sense of humor :)) I really hope I will not stop studying. TEMPTATIONS KEEP OUT.
Some of my classmates came from other places or have other nationalities-Visayas, Mindanao, India, Riyadh, Saudi Arabia, Spain :) Cool.
A little adjustment is all I need and I can live here with no problem. Wish me luck. :)